Sunday, July 25, 2010

WANG WANG

So tomorrow will be the first State of the Nation Address of our 15th Philippine President Noynoy Aquino. I'm hoping na things will fall in the right place. Well anyway, as I was browsing the world wide web this afternoon, an article caught my attention. Title palang, ulam na. :) Haha. Kidd. Pero yeah, it's worth reading 'cause I get to agree on the things stated. Here it goes:


Wala Ngang Wang-Wang, Meron Namang...
By Lourd de Veyra

Kahit 'di mo siya binoto, aminin mong medyo na-elibs ka rin kay Noynoy Aquino nung nagdeklara siya: Walang wangwang. Alam mong maraming problema ang Pilipinas: korupsyon, extra-judicial killings, grabeng budget deficit, at kawalan ng host ng Wowowee. Pero patok ang "Walang wangwang." Wala na kasing mas nakakapikon pa, wala nang mas nakakapanginig pa ng laman, kesa sa sa isang Chevrolet Suburban na kala mo may disco sa bubong, na nagagawa pang humarurot sa gitna ng makapal na trapik.

Hindi ko alam kung wais si Noynoy na puntiryahin ang wangwang sa inauguration pa lang. Tingin ko,importante ang elemento ng mitolohiya sa pagka-presidente, at wala nang mas malapit pa sa realidad ng Pinoy kesa sa kalsada. Mahirap ma-imagine ang mga konseptong gaya ng "hustisya," "demokrasya," "pagbabago," etc. Masyadong abstrakto. Kaya nga nakakaisip lang tayo sa pamamagitan ng mga imahe. Sa kalye nakikita ang hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan: ang isang batang babaeng may kargang mga bayong ng gulay na tumatawid sa overpass vs. BMW X5 na may matabang batang lalakeng nababato na sa kanyang PSP. Mga taong nagsisiksikan sa bulok na bus vs isang tropa ng mga mamahaling SUV na isa-isang tao lang ang nakasakay. Pulubi at sampaguita vendor na kumakatok sa bintana ng Porsche Cayenne. Ganun. Nabibili ng pera ang convenience at efficiency. Sa mayaman at makapangyarihan, walang red light, walang trapik-trapik, walang coding. Sa mahirap...magtiyaga ka na lang sa moshpit ng MRT. O kung naka-bus ka papuntang Novaliches, diyos ko po, magdasal ka na lang na Steven Seagal sana ang nakasalang na DVD.

Wala ngang wangwang, andami pa ring tarantadong drayber ng bus at trak (sama mo na diyan yung mga jeepney na walang ilaw). Kahit ilang libong batas ang gawin natin, kung hahayaan ng LTO na makakuha ng lisensya ang mga tanga at adik at lalong lalo na yung tanga, eh wala ring mangyayari sa mga daan natin. Bakit natin papayagang magmaneho ng limang toneladang sasakyan ang isang taong 35 lang ang I.Q? Wala na ngang wangwang, babanggain ka naman ng mga bwakanginang trak na walang preno, o kaya mga bus na nagkakarera sa gitna ng Edsa. Warning na dapat sa 'tin ang laman ng mga tabloids nitong nakaraang linggo: mga bus na nahuhulog sa bangin, sa Cebu, sa Cordillera, mga truck ng LPG (!) na nawawalan ng control at humahampas sa mga bahay, na nag-lechon sa isang buong pamilya, kasama ang isang two-year-old na bata. Ang matalinong drayber - na responsable sa buhay ng ilang daang tao - ay hindi magmamaneho ng 120 kph sa isang zigzag road sa kabundukan. Ang matalinong drayber ay hindi hahataw sa kalye kung alam niyang luma na ang 10-wheeler niyang dala. Alam niyang pag sumalpok siya sa concrete barrier, o bumale-balentong sa kanto ng Edsa-Connecticut hanggang Annapolis, eh masakit yun. Masakit na masakit.

Wala ngang wangwang, talamak naman ang mga motor at scooter na parang mas gago pa ata ang mga drayber (karamihan sa mga hayup na 'to, walang lisensya at walang rehistro ang mga sasakyan!). Bakit ba halos karamihan sa kanila, parang burat - kung saan masikip, dun pa gustong sumiksik? Ang hilig sumingit ng mga putangina, biglang na lang ka-cut mula sa blind side mo at ikaw pa ang iilag. Pag nabangga mo, ikaw pa ang may kasalanan (kahit anong sabihin mo kasi, mas malaki pa rin ang kotse mo kesa sa dalawang gulong). Akala yata nila, ililigtas pa rin sila ng helmet nila kung humarurot nang lasing sa Skyway. Wala ngang wangwang, parami naman sila nang parami. Parang mga bubuyog pag nagkumpulan sa pulang stoplight, at walang habas na haharangan ka pag nag-go. Hindi ako magugulot kung matutulad tayo sa Vietnam pagdating ng araw: hari ang dalawang gulong.

Wala ngang wangwang, andami pa rin namang kotseng iskandaloso ang tambutso. Sa totoo lang: ano ang kinaibahan ng wangwang convoy sa Honda Civic na lowered at may speaker na dumadagundong ng mga kanta ni Akon. Tingin ko dapat i-regulate din ang pagbenta ng mga dambuhalang sound system, at dapat ding tingnan muna ang playlist ng sinumang mag-a-apply. Dapat din sigurong ipakulong ang mga naglalagay ng blue na ilaw sa mga ilalalim ng sasakyan, at yung nagkakabit ng mga plakang may "LAWYER" o kaya "CUTIE." Isa sa mga matinding salot ng lipunan ang kabaduyan.

Wala ngang wangwang, pero sunod-sunod pa rin ang mga hukay sa kalye - mga hukay na pagkatagal-tagal gawin at takpan (Tangina, ano ba ginagawa nila sa baba? Nagmemerienda?). Kung kelan pa tag-ulan, saka pa maiisipang bakbakin ang lecheng kalyeng wala namang problema. Wala ngang wangwang, lubak-lubak pa rin ang mga daan, parang gago pa rin ang pagkakapuwesto ng mga concrete barrier at U-turn slots. Wala ngang wangwang, wala pa rin namang number coding ang mga bus - mga bus na naghahari sa Edsa pero wala namang sakay.

Wala ngang wangwang, wala rin naman matinong gamit ang PAGASA. Aanhin mo rin ang pagkakapantay-pantay sa lipunan kung sabay-sabay rin naman tayong nalulunod sa baha? Wala ngang abusado, pero wala ring paang walang alipunga, walang batang walang dengue, at walang bahay sa Provident Village na matitira.

Walang wangwang. Magandang simula. Dakilang halimbawa. Pero sabi nila, dapat daw mas pagtuunan ng pansin ni P-Noy ang sunod-sunod na pag-todas sa mga aktibista at media. Ika nga ng mga militante, bago ang wangwang, asikasuhin muna ang bang-bang. Tandaan: kahit sa karo ng patay na papuntang sementeryo, bawal na rin ang wangwang.



Wednesday, July 14, 2010

Good vibes

So yeah. Good vibes for this day. :) Why? You don't wanna know. :"> Hihi. :)

We had no classes yesterday because of typhoon Bashang and the nationwide blackout. I was about to leave home yesterday, just like a normal school day, until Kels called me up. She told me that classes are suspended in DLSU, since earlier, news about suspension of classes are just on elementary and highschool students. Buti nalang hindi pa ko nakakaalis. I have doubts na rin before since I'm commuting to school via LRT, eh brownout nga so walang power ang LRT. I returned to my bed after changing clothes. I woke up at around lunch time, ate, help out with the cleaning, and slept again. Upon waking up in the afternoon, I found out that my cousins are already in our house dahil wala na rin silang magawa sa kanila. It's so effin' boring that's why I chose to sleep nalang. Here's the funny part: Pinanood namin ng mga cousins ko yung mga dumadaan sa street namin, dahil sobrang wala talaga kaming magawa. We were supposed to play tennis but then baka biglang umulan so we chose not to. Electricity's back during night time. Buti nalang. And oh, I forgot to mention that the wind yesterday was sooooo strong. As in. Kulang nalang lumipad mga bubong. :|

This morning naman, sobrang complete na agad day ko. :"> WHYYYY? 'Cause I got to see him. :"""> Yes. So wala na, kinilig nalang ako buong araw. Tapos I only had one class, free cut kasi yung second one. So there, hi there "crush"! :-h :"""">

Good vibes, good vibes. :-"



"...you make me smile like the sun."

Friday, July 9, 2010

Tumblin' head over heels

Yes I am. :">

Will you please define the word "KILIG" to me? I really need to know. Grabe eh. SOBRANG KINIKILIG LANG NAMAN AKO. :""""> Pero 'di naman bawal kiligin diba? Kaya okay lang na kinikilig ako ng sobra. Sayang lang, hindi kita nakita kanina. :| Pero okay lang, pinakilig mo pa din ako. :-bd

So we had our course orientation this morning and PEP rally in the afternoon. I was kinda excited and at the same time nervous to take our majors next term. Development Studies all the way na talaga ko. :) PEP rally's fun although medyo nakakabitin. I was actually expecting more. Parang mas bongga pa nga yung PEP rally last year eh. Oh well. Let's wait for tomorrow nalang. :) I'm sure, it'll be soooo much better 'cause it's the UAAP Season 73 Opening Ceremony na tomorrow and DLSU's the host school for this year. So yeah, we'll say it proud and loud, ANIMO LA SALLE! \:D/

First game for tomorrow's DLSU vs UP, second game's UST vs UE. :)



"...rektikano rah!"

Saturday, July 3, 2010

Best I ever had

I just got home from a movie night-out with my cousins. We went to see Eclipse, I actually expected more on the movie, pero pwede na din. It's bitin just like New Moon. Well anyway, Jacob's soooo freakin' hot pa din, okay? :"""">

Tumblr has been my bestfriend lately 'cause I was able to express myself through it. As in yung mga words na my mouth can't utter, Tumblr speaks for it. I was checking my dashboard until I saw this...

Best thing about having a good boyfriend:
  • Good morning text messages
  • Late night phone calls
  • Falling asleep on the phone
  • “Babe, guess what?”. “What?”. “I love you”. (everyone does it)
  • I miss you/I love you random phone calls
  • Being grabbed by the waist
  • Kisses, especially on the forehead
  • 127817392 photos together
  • You guys fight, you walk away.. he comes back for you
  • He's always there for you, through thick and thin

So yeah. Everything's definitely true. I was living on this before. But then.. Yeah. Bawal mag-emo, okay.

Imma watch Toy Story 3 tomorrow with my family. Can't wait! \:D/




"...i've got your mixtape in my walkman, been so long since we've been talking."

Thursday, July 1, 2010

Spell LABO.

Okay. Sige na. Ako na 'tong si Malabo. :|

  • Malabo kasi may namimiss ako, pero 'di ko dapat mamiss. Kung iniisip mo na ikaw yun, well, you're wrong. :P
  • Malabo kasi ayaw na gusto ko ng walang pasok. Last June kasi, including yesterday which is a holiday, napuno ng sobrang daming NO CLASSES ang DLSU. Yung 3-day weekend ko tuloy, naging 4-day weekend. 3 days may pasok, 4 days wala. Gusto ko pero ayaw. Labo, k? :|
  • Malabo kasi pagkagising ko kanina, naisip ko na agad yung perfect outfit ko for today. Black spaghetti-strap top and cardigan. Naisip ko na uulan kaya okay lang na nakacardigan ako sa pagpasok sa school. But then, kahit dark clouds wala akong nakita. :|
  • Malabo dahil nagugutom ako pero ayaw kong kumain. :(
May sakit na ata ko. Shit. What should I dooooo? :|



"...one of these days."