Monday, May 31, 2010

Ako na yata ang pinakamasayang tao sa whole wide world

Today's my first day as a sophomore. I had a very nice day, simula pagpasok hanggang sa pag-uwi. GV all the way. It's so nice to see my blockmates again, some of which I haven't seen for a month. We went frosh hunting kanina, ang funny lang kasi sobrang naaalala namin 'yung mga sarili namin sa kanila. Good thing naisip ng La Salle na 'wag ng gamitin ang mga EAF's as a "temporary" ID for frosh. Last year kasi super haba ng pila sa mga entrance gates dahil sa pag-iiscan ng mga frosh ng EAF's. So kanina, wala naman akong nakitang nag-iiscan. Nabaliw lang ako kanina sa isang common na ginagawa ng mga frosh -- 'yung pagharang sa gitna ng daan. PUHLEEEEEEEASE. Nung frosh ako, NEVER kong ginawa 'yan dahil alam kong madaming pwedeng ma-late dahil dun. Hindi lang naman kasi limited sa isang building ang class mo 'pag sa DLSU ka nag-aral. Pa'no mo nga naman pagkakasyahin 'yung 10-minute break para lumipat ng building. Lalo na kung sa Andrew ka pa. JACKPOT! Hahaha! Buti nalang I don't have any classes na sa Andrew. :)

So far, wala pa akong TERROR prof. Thank God. Cool silang lahat. Hopefully, by the end of the term, makapasok na ulit ako sa Dean's List. Bring it on, 1st term! \:D/





PS. (Actually 'di dapat 'to PS kasi tungkol talaga dito 'yung title ng entry na 'to)
Oh btw, ANG SAYA KO, OKAY? Bakit? SECREEEEEET! Haha! :))
GV DAY. Saya ko kasi dalawang beses ko siya nakita. :">

Sunday, May 23, 2010

But it grew from a simple crush

OKAY. Hindi ako makatulog. Sabagay 'di ko pa naman tinatry matulog. Pero feeling ko by the moment na humiga ako, hindi pa rin ako makakatulog. Bakit? Excited ako eh. Ano nga ba 'yung isa sa mga basis para masabi mong excited ka? Hindi makatulog. Oh diba? :> Okay, sorry, ang sabaw ko na.

I'm currently waiting for my cousin's text dahil susunduin namin sila. Yup, 1:30am na, pero nothing's gonna stop us from this excitement! \:D/



pasensya na. wala na talaga kong magawa. :|

Connected

I had a total bonding day with the special "guys" in my life, my dad and my brothers, today. We went to the mall, bought stuffs, and ate. The original plan actually was to pick up my camera since I had it fixed there, but upon our arrival to the repair shop, they told me na tomorrow nalang daw kasi hindi pa tapos. Screw that. Excited pa naman ako, I haven't used it for quite some time tapos biglang ganun. Nevertheless, hindi pa din sayang 'yung pagpunta namin. I thought na sandali lang kami mag-stay, na uuwi na kami after ko makuha 'yung cam. Nag-crave nanaman ako sa Krispy Kreme kaya dun kami nag-merienda. Then dad got his new Nokia E72 and we bought a router. So yeah, WiFi enabled na 'yung buong bahay namin. ;)

I can't wait for Tito Melvin and Tita Melanie's arrival tomorrow. Matagal tagal na rin naming inaantay 'to. :) We're off to Fontana tomorrow 'til Tuesday. Don't know yet kung kelan ako makakabalik sa cyberspace.

I need to enjoy my last week of summer vacation. A week from now, start of classes na ulit. Ang bilis ng araw...

Friday, May 21, 2010

Wtfswrngwthy

"Summer romances begin for all kinds of reasons, but when all is said and done, they have one thing in common: they're shooting stars, a spectacular moment of light in the heavens, fleeting glimpse of eternity, and in a flash, they're gone."

- The Notebook

This is one of my favorite lines in the movie "The Notebook". I don't know why, but it really had a great impact on me. I was able to watch it again for the nth time yesterday and it never failed to make me cry kahit na ilang beses ko na napanood. Pero you know what? Someday, just like what happened in the movie, I wanna lay down in the middle of the street and watch the traffic lights go green, yellow, and red, of course, with someone special. :">

Well I guess that all I gotta do now is to.....




Just like seasons, people change and so do feelings. (Not this time, please?)

Wednesday, May 19, 2010

If eyes could speak, I wouldn't have to talk

Last night, I had a movie marathon with my brothers and cousins. We had The Proposal, Shutter and City of Ember on the screen. Gusto ko rin sana ihabol 'yung Alice in Wonderland, kaso gabi na masyado.

Lately, nawiwili akong magpost ng sayings and quotes na galing sa Tumblr sa wall ko sa Facebook. Mga quotes na somehow, nakaka-relate ako and minsan, may gusto akong 'patamaan'. Sana naman, kahit konti, natatamaan at nakakaramdam naman 'yung 'pinapatamaan' ko. Para masaya diba?

Sa ngayon, medyo nagda-doubt nanaman ako, even though sinabi ko na before na I'm willing to give the benefit of the doubt. I don't know how to react on some things. Minsan iniisip ko kung tama bang nagta-try ako kahit papa'no, in my little ways, nag-e-effort din naman ako. I just don't know kung ano 'yung kalalabasan ng "effort" na 'to. Pero whatever it is, I'm willing to accept it. At least I've tried, right? :)

Tuesday, May 18, 2010

Pahabol.

Good morning! Haha! Humabol pa ko sa pag-greet ng good morning, 5 minutes nalang, 12nn na. Actually kanina pa ko gising, ngayon ko lang naisipan na magpost ng entry. Nakaka-bv naman kasi 'yung internet connection namin kanina, nawawala tas nagkakaron. Nasabi ko nga pala sa last entry ko na gigising ako ng late para 'yung other half nalang 'yung poproblemahin ko. I think na masosolve ko na 'yung 'problema' sa other half of the day ko. Naisipan kong mag-movie marathon para makapagpahinga naman 'tong laptop ko. Haha! O diba. I slept super late last night, I mean kaninang madaling araw dahil secrettttt! Ay nako. Sa takdang panahon, promise. :)

Masaya ko, ikaw? :> :))

Completely senseless

So yeah, I'm so bored right now. Gusto ko na sana matulog, kaso 'di naman ako makatulog. :( I have to get my body clock back before school starts again, kung hindi, deads ako neto. I need to wake up early dahil 8am na lahat ng classes ko, pwede ko pa naman ituloy 'yung tulog ko after school since maaga naman dismissal ko. Anyway, sa ngayon, tinatamad pa ko ayusin 'tong site ko, hindi ko rin alam kung bakit. Parang lately medyo nalulungkot ako na ewan. Pa'no ba naman, may namimiss ata. If you're gonna ask me kung sino, well, secret! For now. Haha! Siguro 'pag dumating 'yung right time tsaka ko nalang sasabihin kung sino. Pero sa mga oras na 'to, 'di ko maitatangging aminin na namimiss ko talaga siya.

TEKA NGAAAAAA! Ano ba yan. Ayaw ko ng emo eh. Remove the bad vibes. :-bd :))

Sana late ako magising bukas. Para 'yung other half of the day nalang 'yung poproblemahin ko, diba? :)


Back to the ball game

This time, I've decided to activate my blog account since it has been under "idle" mode for years. I do have my 'secret' blog which I update regularly but I thought that it would be nice to let everyone take a sneak peek on what's been happening about me lately.

Hindi ko alam kung bakit sobrang hindi ko matigilan ang pag-oonline. Nakakatempt kasi mag-internet, alam mo 'yung feeling na every time na makikita ko 'yung laptop ko, 'di ko maiwasan na 'di 'to buksan. Palibhasa wala naman akong masyadong pinagkakaabalahan. Teka. Bigla kong napansin 'yung change of language ko. Sorry. Haha! :) Sumegway na nga lang din ako, lulubusin ko na. 'Yung mga entries ko dito will be in English and/or Tagalog. Bakit? Para masaya. ;) O, balik na tayo sa laptop at internet. Ayun nga. Two weeks from now mukhang makakapagpahinga na rin ako sa pagfe-Facebook at pagta-Tumblr. Finally! Makakahinga na rin 'tong laptop ko (I think so!).

I was able to get my student permit yesterday. Yeeeey! At nakapag-drive na rin ako sa labas ng village namin. Deep breath. Lakas ng loob. Haha! :)


Sinadya ko talagang hindi i-flip 'yung photo. Bakit? Secret. :P :))